Sunday, November 12, 2006

“Muling pagkikita”

Bakasyon na naman! Tuwang-tuwa si Ann at si Joyce dahil libreng-libre na silang gumala.

“Yes! Ang saya talaga wala na tayong pasok Joyce. Hay Makakapaglakwatsa na ng malaya kanila Mommy at Daddy,” wika ni Ann. “Ikaw talaga!!! Pasaway kang babae ka puro lakwatsa nasa isip mo porket bakasyon na. Bakit hindi mo gayahin si Mikhail na kahit may kasintahang katulad mo ay hindi napapabayaan yung pag-aaral niya,” sagot ni Joyce. “Hay naku Joyce, kaya nga nagpapasalamat ako at dumating sa buhay ko si Mikhail at saka hindi ko naman napapabayaan yung pag-aaral ko ha.’” Sagot ni Ann ng may pagmamalaki.

Tumambad sa kanilang pag-uusap ang pagtunog ng telepono sa kanilang bahay. . “Joyce sagutin mo nga yang telepono at nagluluto ako rito,” pasigaw na sabi ni Ann. Sinagot ni joyce ang telepono ng napakahinhin, “Hello”. “Hello Joyce, si Mikhail ito pwede bang makausap si Ann at may sasabihin akong ikakatuwa niyo,” ang masayang wika ni Mihail. “Kaso nagluluto siya Mikhail eh. Tumawag ka na lng ulit mamaya,” sabi ni Ann. Nagmamadaling nagsalita si Mikhail na, “ Huwag na ikaw na lang ang magsabi sa kanya na my bahay kami sa Mambukal, Bacolod kaya’t maari tayong magbakasyun doon sa makalawa at nakakuha na ako ng apat na ticket. Isama mo na rin si Patrick para maging Masaya. Malungkot na sumagot si Joyce na, “O sige, sasabihin ko kay Ann at magpapaalam muna kami sa mga magulang namin. Si Patrick? Naku hiwalay na kami noon.” “Ha? Kailan pa? O siya huwag na natin siya isama, maghahanap na lang ako ng kasamang iba. Okei? Sige paalam,” wika ni Mikhail. “Okei lang yun, sige salamat ha. Sige paalam” wika ni Joyce.

Nasasabik na pumunta si Joyce kay Ann at ikwenento ang paanyaya ni Mikhail sa dalawa. Kaya’t agad naman nag-paalam ang dalawa sa kanilang magulang at pinayagan naman sila kaagad dahil malaki ang tiwala sa kanila ng kanilang mga magulang.

Nag-iisip si Mikhail kung sino ang maaaring isama nila sa bakasyon dahil nakabili na siya ng apat na ticket para sa kanila at para mabawasan na rin ang lungkot ni Joyce. “Hay! Sayang naman at nagkahiwalay na si Joyce at Patrick bagay na bagay pa naman sila,” nanghihinayang na sinabi ni Mikhail. “Oo nga at parang perpekto na si Patrick ngunit niloko niya lang ang pinsan ko at mayroon siyang ibang babae!,” galit na sagot ni Ann. “Ganun? Ang sama naman niya. Ang swerte niya na nga kay Joyce eh maganda at matalino na tapos lolokohin niya lang,” sabi ni Mikhail. “ Sana lang ay maging masaya na ang pinsan ko,” ang malungkot na banggit ni Ann. “Aha! Alam ko na kung sino ang isasama sa Bacolod! At tiyak na magiging masaya si Joyce pag nakilala niya ang kaklase ko noong hayskul na si Kristofer,” ang natutuwang pagsasalita ni Mikhail. “O cge imbitahan mo na siya at ako ay uuwi na at maaga pa ang biyahe natin bukas, mag-ingat ka ha,” ang wika ni Ann.

Pinuntahan ni Mikhail si kristofer sa kanilang bahay upang anyayahan ito. Nasasabik na nagtanong si Mikhail na, ”Pare pwede ka ba sumama magbakasyon sa amin sa Mambukal, Bacolod? Sagot ko na naman ang ticket at pagkain kaya sumama ka na ha.” Sagot naman ni Kristofer ay “Oo naman pare! Ikaw pa malakas ka sa akin eh. Kailan ba tayo aalis?” Sumagot si Mikhail na, “Pare bukas na ng 4:00 ng umaga. Magkita na lang tayo sa NAIA ha. Wala ng bawian. Nagulat si Kristofer ngunit pumayag na rin siya. Masayang umuwi si Mikhail dahil nasasabik na siya bukas eh.

Kinabukasan at kumpleto na ang apat sa Airport at naghihintay ng flight nila ngunit mahuhuli raw ito ng 2 oras kaya’t nagkwentuhan lang muna roon ang apat habang naghihintay. “Siya nga pala, ito si Kristofer ang matalik kong kaibigan nung hayskul,” sabi ni Mikhail. “Ako naman si Joyce ang pinsan ni Ann,” ang wika ni Joyce.

“At ako naman si Ann ang kasintahan ng tukmol na to,” wika ni Ann sabay turo kay Mikhail. “Kinagagalak ko kayo makilala,” sabi ni Kristofer na medyo nahihiya pa sa kanila.

Habang naghihintay sila sa Airport ay may dumaan sa harap nila na isang bading na lubhang napakaarte. Dahil napansin ni Kristofer na tahimik na ang lahat at nakikita niya na medyo malungkot si Joyce bigla siyang tumayo at nagkilos na parang isang bading. “Hi mga geeerls! Maganda kayo pero mas maganda ako at ito ang gwapo kong boyfriend,” masayang pagsasalita ni Kristofer. Napangiti naman niya agad si Joyce dahil sa ginawa nito. Kaya natuwa si Ann at sinabi kay Mikhail na, “ Tama ang pagpili mo kay Kristofer dahil mukhang mapapasaya niya si Joyce.”

Mamaya ay dumating na ang eroplanong sasakyan nila at sumakay na sila rito. Makalipas ang 45 minuto ay lumapag na sila sa Bacolod. At agad naman silang sinundo ng katiwala nila Mikhail upang dahil sila sa bahay nito sa Mambukal.

“Wow! Ang laki pala ng bahay niyo dito Mikhail,” wika ni Joyce na namamangha. “Naku hindi naman masyado. Oo nga pala malapit lang dito yung talon kaya pwede tayong maligo doon ngayon,”wika ni Mikhail. “Naku patay ka sa’kin Mikhail lulunurin kita doon,” pabirong wika ni Ann. “Kayo na lang muna ang magpunta doon maiiwan na lang ako dito sa bahay,” wika ni Joyce. “Bakit naman pinsan? Pumunta tayo rito para magsaya hindi magmukmok,” wika ni Ann. “Sumama ka na Joyce. Masarap lumanggoy dun,” wika ni Mikhail. Ngunit hindi umiimik si Joyce at sumenyas sa kanila na maiwan na lang daw siya sa bahay. “Hay naku, sasama na lang kita dito Joyce,” wika ni Kristofer. “Naku huwag na Kristofer sumama ka na lang sa kanila at magsaya doon. Ayos lang ako dito kaya ko ang sarili ko,”wika ni Joyce. Naisip ni Kristofer na magsalita muli na parang bading upang mapangiti at mapapayag si Joyce na sumama. “Alam mo ba kung bakit gusto kita samahan ha. Kasi pag sumama ako sa kanila maligo mangingitim ako samantalang ikaw ay hindi. Hindi yata ako makakapayag na matalbugan mo ang beauty ko. Kaya kung maiiwan ka maiiwan din ako.” Natuwa ang lahat sa ginawa ni Kristofer kaya’t nagpasya na si Joyce na sumama. “Sige na at sasama na ko para ang beauty mo pa rin ang mangibabaw Krisa,” pabirong sagot ni Joyce.

Nagtungo na nga ang apat sa talon at doon ay nagpiknik, nagitara at naligo sa doon sa may talon. Sadyang naging masaya ang apat roon at tila ba walang masamang nangyari kay Joyce. “ Salamat sa inyo ha.,” wika ni Joyce. “Ano ka ba? Wala yun pinsan,” wika ni Ann. “Lahat naman tayo ay nagsasaya saka tama lang yun para makalimutan mo si Patrick,” wika ni Mikhail. “Patrick? Ako din yun ha,” wika ni Kristofer. “Anong ikaw? Yun ang ex-boyfriend ni Joyce,” nagtatakang wika ni Joyce. “Ikaw talaga Kristofer oh! Kasi Patrick Kristofer Reyes ang buong panggalan niya,” banggit ni Mikhail. “ Mukhang pamilyar sa akin ang pangalan na yun ah,” sabi ni Ann. “Teka nag-aral ka ba noon sa St. Theresa’s Learning Center nung nursery ka Kristofer?,” tanong ni Joyce. “Oo, kaso hindi ko na naipagpatuloy dahil lumipat na kmi ng bahay. Naaalala ko nga dun yung kaibigan kong babae na si Precious na sobrang iyakin pag inaaway ng mga kaklase ko kaya lagi kong sinasamahan at pinapatawa,” sagot ni Kristofer. “Biruin mo sa bata mong yun naalala mo pa yung mga kaklase mo at nangyayari sa inyo,” wika ni Mikhail. “Oo nga pero parang pamilyar talaga ang panggalan mo,” wika ni Ann. “Crush ko pa nga yung iyakin nay un eh. Bakit mo nga pala natanong Joyce?,” sabi ni Kristofer. Nagtanong ulit si Joyce,”Anong seksyon mo? Apple ba?” Sumagot naman si Kristofer, “Oo at pano mo nalaman?” Napangiti lang si Joyce. “ Precious nga ba ang panggalan ng crush mo noon Kristofer?,”tanong ni Ann. “Oo Precious ang natatandaan kong panggalan niya,” sagot ni Kristofer. “Hahahahaha, Precious Joyce ang panggalan niyang pinsan ko at nag-aral din siya sa St. Theresa’s Learning Center at seksyon apple din,” natatawang wika ni Ann. “Kung ganon ikaw yung kaklase ko dating si Patrick na lagi ako kinakausap at nagtatanggol sa akin pag may kaaway ako,” sabi ni Joyce. Namula si Kristofer at halatang masayang masaya sa nalaman gayun din naman si Joyce. “Hoy Patrick Kristofer yung kinaiinggitan mong ganda ay dati mo palang crush noon,” nangaasar na sabi ni Mikhail. “Grabe parang destiny lang ha, biruin niyo nagkita pa kayong dalawa matapos ang ilang taon nagkita pa kayo at hindi niyo alam na magkaklase pa kayo dati,” wika ni Ann. “Precious natutuwa ako at nagkita tayong muli at maganda at mabait ka pa din tulad ng dati,” wika ni Kristofer. “Ako din Kristofer natutuwa ako ngunit ngayon ay palabiro ka na at nakayulong din sa akin dahil napapangiti mo pa din ako,” wika ni Joyce.

Umuwi na ang apat sa bahay nila Mikhail upang magpahinga. Pagod na pagod si Ann at Mikhail kayat nakatulog agad sila pag dating sa bahay. Masayang- masaya naman si Joyce at Kristofer sa muli nilang pagkikita at nagkwentuhan pa bago matulog. “Joyce iyakin! Hehehe… di ka na iyakin ngayon malungkutin na lang,” wika ni Kristofer. “Medyo lang kasi kakahiwalay lang namin ng kasintahan ko dahil niloko niya lang ako,” malungkot na sagot ni Joyce. “Hay naku huwag mo ng isipin yun dahil nandito naman ako eh.Joke!,” sabi ni Kristofer. “ Natutuwa ako at nagkita tayong muli dahil ikaw talaga yung nakakapagpasaya sa akinkahit nung bata pa tayo,” wika ni Joyce. “Basta tandaaan mo nagbalik na yung Patrick na lagging kumakausap at nagpapasaya sa’yo. Magdrama daw ba?” pabirong wika ni Kristofer. “ Salamat ha, o siya matulog na tayo at maaga pa ang biyahe natin pauwing Manila. Goodnight,” wika ni Joyce. “Godnight Precious,” sagot ni Kristofer.

Kinabukasan ay umuwi ng Manila ang apat at sadyang naging magandang alaala sa kanila ang pagbabakasyon sa Mambukal, Bacolod lalong - lalo na kay Joyce at Kristofer.

Lumipas na ang mga araw mula sa kanilang baksyon at patuloy pa din nagkikita sila Joyce at Kristofer. Isang araw sinorpresa ni Kristofer si Joyce. Nagpunta siya sa bahay nito at dinalaw ito. “Joyce, para sa iyo itong mga bulaklak na ito,” wika ni Kristofer. “Salamat ha, nandito nga pala si Mommy. Ipapakilala kita baka natatandaan ka pa niya saka si Tita Helen yung kaibigan niya,” wika ni Joyce. Pagpasok nila ay ipinakilala ni Joyce si Kristofer sa kanyang Mommy at sa kaibigan nito. Bumati naman si Kristofer sa kanyang Mommy at nagmano sa Tita Helen niya. Nagulat si Joyce kung bakit nagmano si Kristofer sa Tita Helen niya. “O Rosy nagkita nap ala ulit si Joyce at ang anak kong si Kristofer. Balita ko eh nanliligaw din ang aking anak kay Joyce,” wika ni Helen. “Ahh siya pala siya nab a si Patrick ang anak mo ang gwapo ha at ang bait,” sagot ng Mommy ni Joyce na si Rosy. “Tita Helen kayo pala ang Mommy nitong si Kristofer,” gulat na wika ni Joyce. “At Tita Rosa kayo naman po pala ang Mommy ni Joyce,” wika ni Kristofer. “Oo siyempre matalik kaming magkaibigan noon pa ma kaya nga pinagparehas naming kayo nun ng eskwela nung bata pa kayo kaso kinailangan kong ilipat si Kristofer dahil nadestino sa Ilo-Ilo ang Daddy nia kaya kinailangan naming lumipta,” ang banggit ni Helen. Natawa lang si Kristofer at si Joyce sa nangyari.

Ikwinento ng dalawa ang nangyari kay Mikhail at Ann. At halos mamula ang dalawa sa sobrang kilig sa nangyayayari. Hindi rin nagtagal at sinagot na ni Joyce si Kristofer dahil mukhang ayos na ang lahat para sa kanila at kasalukuyang masaya naman sila kahit minsan ay may konting di pagkakaintindihan. Samantala si Ann at si Mikhail ay patuloy pa din na masaya sa kanilang realsyon at nagkakilala na rin ang kanilang magulang

"MAikling Katha for Filipino" Ayos ba? Nyahaha!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home